Martes, Disyembre 1, 2015

PARAAN NG PAGPATAY KAY RUSTEM

Reaksyon at pananaw sa paraan ng pagpatay kay Rustem....

                   
REAKSIYON:
  • Ang babaw nang dahilan kung bakit pinatay si Rustem. 
  •  Para sa aming dalawa, hindi rason ang inggit para pumatay ng isang tao.  
  •  Dahil masama ang pumatay, ito'y labag sa batas ng tao at sa batas ng Diyos sa Bibliya. 
  •  Dapat makita sa magkapatid ang matibay na relasyon. 
  •  Sabi sa Bibliya "Love one another". Hindi "kill each other" 


PANANAW: 
                         Ang kamatayan ay isang pangyayari sa buhay ng tao na hindi maiiwasan ninuman. Ang kataksilan ng isang kasapi ng pamilya sa isa pang kasapi ay hindi alintana ng bawat isa sa atin ngayon. Ang kamatayan o pagkamatay ni Rustem ay siyang halimbawa nito. Bunga ng pagkainggit ni Shugdad kay Rustem, ang kaniyang kapatid ay nagawa niya itong paslangin. Ang kanyang pagpatay kay Rustem ay pinag-isipan niyang maigi kung kaya't siya'y nagtagumpay na mapatay si Rustem. Ang nais ipahiwatig ng pangyayaring ito sa akda ay kahit anong kabutihan ang gawin mo, may mga taong puno ng poot at inggit ang puso na siyang gagawa ng kamalian makamit lamang ang kinaiinggitan. Ang kwentong ito ay may kahintulad sa isang pangyayari sa Bibliya, "Si Cain at Si Abel". Ganoon rin ang sanhi kung bakit pinatay ni Cain ang kanyang kapatid na si Abel, dahil rin sa pagkainggit sa kanyang kapatid.
                         
PAANO MAIIWASAN ANG PANGYAYARING ITO?



  • Huwag mamuhay sa inggit, Mamuhay ng puno ng pagmamahal. Kung nagkakaalitan o nag-aaway ang magkapatid dapat naguusap sila ng maayos upang magkaayos sila at upang hindi humantong sa paggamit ng dahas. Sabi sa Bibliya, "He who envies others does not have a peace of mind". 
  • "Insecure people have to make excuses and put others down to feel confident. Confidence isn't walking into a room with your nose in the air, and thinking you are better than everyone else, it's walking into a room and not having to compare yourself to anyone in the first place." Ang pagpatay ay labag sa kalooban ng Diyos . 
  • Ang pagpatay ay isang kasalanang tiyak na kung sino man ang gagawa nito ay paparusahan sa tamang oras. Isa sa sampung utos ng Diyos ang huwag pumatay sa kapwa natin tao na kung saan, marami ang lumalabag dito. Sa akda na Ang Kamatayan ni Rustem, dito ay isinaad kung paano na walang awang pinatay ng isang kapatid ang mismo kanyang kapatid din
  • Galit ang naramdaman ko para kay Shugdad na siyang pumatay kay Rustem. Kung ako ang nasa sitwasyon ng anak ni Rustem ay tiyak na gagawin ko rin ang ganoong paghihiganti o kaya'y mas hihigitan ko pa roon. Bibigyan ko rin ng hustisya ang pagkamatay ng aking ama, ang hustisya na karapatdapat sa kaniya.
  • Ang mga tao lalo na dito sa Pilipinas ay may karapatan at kalayaan sa pagpapahayag. Ang kailangan lang dito ay disiplina at matutong magmahal sa sarili upang mo'y mamahalin mo rin




PERFORMANCE TASK SA FILIPINO
S. VALDEZ
J. OGARTE
J. SORANO

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento